• Home
  • Posts RSS
  • Comments RSS
  • Edit
  • My Twin Soul

    Thursday, August 4, 2011
    Napindot ko kanina ang isang kaakit akit na URL sabi dun "Tibetan personality test"
    One of the results said that you are my twin soul.
    Tumalon talon naman ang puso ko sa tuwa. Akalain mo yun!, twin soul pala kita.

    Ang saya, ang saya saya talaga kapag nakikita kita
    kahit malayo ka o hindi man abot ng paningin ko napapangiti mo ko
    Mas malakas pa ang Aura mo kay Son Goku.
    Nakatalikod ka pa lang ang lakas na ng apekto mo
    Kapag humarap ka nanlalambot na ang tuhod.
    Kapag narinig ko na ang malamig mong boses hindi ko na mahabol ang tibok na puso ko.
    Bakit nga ba ganun na lang ang epekto mo sa buhay ko?

    Gwapo, Matalino, Maprinsipyo
    Mga salitang naiisip ko kapag naririnig ko ang pangalan
    Ano ka nga ba talaga?
    Sino ka nga ba talaga?
    Bakit ba lagi ka na lang pumapasok sa utak ko?
    Pinapangiti mo ko habang mag-isang nakatayo sa pila ng sakayan pauwi.
    Ang mga ala ala mo ang tumutulong sakin magdesisyon sa mga bagay na nahihirapan ako
    Ikaw ba superman?