• Home
  • Posts RSS
  • Comments RSS
  • Edit
  • My Twin Soul

    Thursday, August 4, 2011
    Napindot ko kanina ang isang kaakit akit na URL sabi dun "Tibetan personality test"
    One of the results said that you are my twin soul.
    Tumalon talon naman ang puso ko sa tuwa. Akalain mo yun!, twin soul pala kita.

    Ang saya, ang saya saya talaga kapag nakikita kita
    kahit malayo ka o hindi man abot ng paningin ko napapangiti mo ko
    Mas malakas pa ang Aura mo kay Son Goku.
    Nakatalikod ka pa lang ang lakas na ng apekto mo
    Kapag humarap ka nanlalambot na ang tuhod.
    Kapag narinig ko na ang malamig mong boses hindi ko na mahabol ang tibok na puso ko.
    Bakit nga ba ganun na lang ang epekto mo sa buhay ko?

    Gwapo, Matalino, Maprinsipyo
    Mga salitang naiisip ko kapag naririnig ko ang pangalan
    Ano ka nga ba talaga?
    Sino ka nga ba talaga?
    Bakit ba lagi ka na lang pumapasok sa utak ko?
    Pinapangiti mo ko habang mag-isang nakatayo sa pila ng sakayan pauwi.
    Ang mga ala ala mo ang tumutulong sakin magdesisyon sa mga bagay na nahihirapan ako
    Ikaw ba superman?

    Bakit nga ba ganun na lang ang epekto mo sa buhay ko?

    Hindi ko na alam kung anung dapat kong gawin ngayon
    Kaya nga sinulat ko na lang to para kahit papaano mailabas ko yung nararamdaman ko.
    Diba un naman ang sabi mo?, Magsulat
    Ayan, sinusunod pa kita.
    Baka naman I am under your spell
    your "Charming Spell"
    O sadyang ako din ang may gawa kung bakit ako ganito sayo
    Bakit nga ba ganun ang epekto mo sa buhay ko?

    Mga simpleng bagay na related sayo naalala agad kita.
    Yung mga kwento mo, pagdating sa bahay kwento ko
    kaya yung mga pinagsasabi mo alam na ng buong baryo.
    Hindi ko kasi makalimutan.
    Bakit kaya sayo lang ako ganito.
    Anu ba! Hindi ako sanay ng ganito.

    Pero kapag malapit na ikaw sa akin hindi na ako makapagsalita
    Minsan nga aasta na lang ako na parang hindi kita kilala
    kahit nagsusumigaw na yung puso ko.
    Parang may napakakapal at napakataas na salamin sa palgitan natin.
    Nakabuo na ako ng mundo kasama ka.... pero parang mag-isa pa din
    parang recorded videos at pictures lang ung nasa mundo ko
    puro ala ala, walang buhay

    Kahit anung isip naman kasi ang gawin ko.
    lahat babagsak pa din sa pagiging isang IMPOSIBLE
    relation pa lang hindi na pwede
    friendship wala din
    ni hindi nga tayo acquaintance
    at kapag pinagtabi tayo, mukha akong parang naligaw lang.
    hindi mo nga ako kilala.

    Pero kahit imposible sumasagi pa din sa isip ko na baka naman pwede
    kahit hindi ko alam kung paano yun mangyayari.
    Pwede rin naman na magkasya na lang ako sa ganito
    Sa mundong ginawa ko na puro ala- ala
    Mangarap pero makontento.
    Humanga ng katulad ng isang tagahanga sa kanyang iniidolo

    Hanapin, Tumitig, Ngumiti
    Mag-isip, Mangarap, magsaya
    Mabuhay..
    Matulog...

    inaantok na ako.
    Hinihintay mo pa ako sa panaginip ko.

    -Mr. Actor na napanood ko sa favorite kung korean novela "G. Yoo" dahil sayo nakasulat ako ng ganito kahaba na tula (kung tula man ang tawag dito)-

    Goodnight Lovely Folks!

    0 comments:

    Post a Comment